top of page

Ipinakilala namin ang makabagong teknolohiya na tumutugon sa ilang pangunahing pandaigdigang isyu sa kalusugan!

Ang paglaban sa antibiyotiko ay isang pandaigdigang problema na nagbabantang magdulot ng susunod na pandemya. Nagpapakita kami ng epektibo, mura, at napakadaling gamitin na teknolohiya na nagpapababa ng paglaban sa antibiyotiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibo sa mga antibiyotiko lalo na sa pag-iwas sa mga impeksyon sa sugat na dulot ng kakatapos lang na operasyon (post-operative wound infection (SSI)), paggamot sa lahat ng uri ng mga nahawaang sugat, at mga ulser. Ito ay mabisa laban sa bakterya, (pati na rin sa antibiyotikong lumalaban sa bakterya at mga biofilm), mga birus at mga halamang singaw (fungi). May epekto ito sa mga badyet ng ospital, logistik at kapakanan ng pasyente. Ito ay lubos na nauugnay sa lahat ng mga bansa lalo na sa mga may malawak na paglaban sa antibiyotiko.

 

Ang lahat ng mga kababaihan ay magindapat sa pagsusuri sa servikal kanser na hindi batay sa probabilidad at sariling opinyon lamang! Ang mga kasalukuyang programa sa pagsusuri lalo na ang VIA ay hindi tumpak, ang paggamit ng hindi magkakatugma, sariling pagtatasa ng mga resulta, at ang pagbabago sa selula ay nagbibigay ng hindi tiyak na resulta. Ang mga sakit na naipapsa sa pakikipagtalik o mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik (sexually transmitted infection o STI), ang maaga at pangunahing pagsusuri para sa HR-HPV ay dapat palitan, dahil ang birus ay maaari na ngayong maalis kaagad nang hindi napipinsala ang servik gamit ang bagong teknolohiyang ito. Itinutuwid nito ang paggamot sa HR-HPV sa paggamot sa lahat ng STI: tuklasin, gamutin, at itigil ang pagkalat ng impeksiyon bago pa man ang pagdami nito.

 

Ang Covid-19 ay pumapasok sa pamamagitan ng ilong at nagpapatuloy sa baga, kung saan nagdudulot ito ng malubhang sakit. Ang agarang pagtanggal ng birus mula sa ilong ay binabawasan ang pagdami at pagkalat ng birus.

 

Ang makabagong teknolohiyang ito, ang Photo Dynamic Therapy, ay pinagsasama ang enerhiya ng pulang ilaw at instrumento sa paglamlam ng mikrobiyolohiya na hinihigop ng pangkat ng mga selula at mikrobyo (tissue and microbes), upang mag-oxidize at pumatay ng mikrobyo nang hindi naaapekuhan ang mga host cell. Ito ay simpleng gamitin, epektibo, hindi nakadepende sa pagtalima ng pasyente (patient compliance), talangguhit ng mga dosis o matagal na paggamot: 2-5 minutong paggamot ay nagtatanggal ng mga nakakahawang organismong nagdudulot ng sakit. Ang fiber-optic o beam probe ay nagdidirekta ng pulang ilaw sa anumang naaaabot na lugar sa dalubkatawan (anatomical site). Ang paggamit nito sa mga ito at sa iba pang mga indikasyon ay mahusay na dokumentado ngunit masyadong malaki upang isama sa maikling pagsusuri na ito, kaya mangyaring makipag-ugnayan sa amin para sa mga sanggunian sa mga indikasyon na interesado ka. (Ang Google ay may ilang daang libong sanggunian!)

 

SmithMED, Norway, smithmed@online.no

bottom of page